Parang lahat ng tao sa paligid nina Mia at Isaac ay may masayang lovelife. Naisip nila na hindi naman siguro masama kung susubok uli sila. Baka naman palarin na sila sa pagkakataon na iyon katulad ng ilang malalapit na kaibigan.
Nabuo ang isang blind date adventure. May dadalhin si Mia na kaibigan sa isang date para makilala ni Isaac. Ganoon din ang gagawin ni Isaac. They figured it was a safe way of putting themselves out there. They had each other anuman ang mangyari sa mga date na iyon.
Naisip nila na baka kasi hindi na uso ang paghihintay sa mga panahon na ito. Baka kailangan ng kaunting push. Baka kailangan ng kaunting paghahabol.
It had been a great adventure. Pero mababatid din ba nila sa adventure na iyon na sila talaga ang para sa isa't isa?